Miyerkules, Setyembre 27, 2017
pastoral
Ang Buhay sa Bukid
Madaling araw pa ng simulan
Malakas na kalabaw ang nasa harapan
Kahit pagod na't pinagpawisan
Pag-aararo'y di pa rin titigilan
Paghahanda sa lupa'y kinakailangan
Ng mahabol panahon ng taniman
Ng may puhuna't malalamon
Kabuhayan dito lang nakasalalay.
pastoral
Magsasaka
Magsasakang bayani ng kabukiran
Sandata'y araro't katapangan di pinagsisihan
Patagin ang putik't magpunla ng binhi
Maghintay bago kumita ng ani
Ito'y siklong buhay magsasaka
Paulit-ulit pagkatapos mag-ani'y magbubungkal
Walang promosyon, walang dagdag sahod
Walang bonus, walang health benefits.
elihiya
Elihiya Sa Matalik Kong Kaibigan
Masasayang mga sandaling ipinagpapasalamat
Nang ika'y ipinahiram ng Poong Maykapal
Sa iyong mga pamilya, kapwa kaibigan't kasintahan
Ika'y natatanging biyayang di malilimutan
Taglay mo'y mga dakilang pangarap
Kalakip ang pag-asa sa gitna ng hirap
Hindi para sa sarili kundi para sa iba
Tunay ngang malayo na ang nalakbay
Linisan na nga ang mundong ginagalawan
Lahat kami'y nawalan
Pilit tinatanggap ang kinahihinatnan
Ipinagdarasal ang kapayapaan magpakailanman.
elihiya
Elihiya Sa Natatangi Kong Lolo
Kung ang kamataya'y isang panibagong buhay
Nawa'y mga ala-ala 'y namin'y iyong bitbitin
Pagsasakripisyo, pagmamahal, pag-aaruga
Na kailanman hinding-hindi mababaon sa limot
Ang naiwan sa amin'y mga ala-ala mo
Nang isang dakilang lolo na kasabay kong nangarap
Lumipad, kumalinga at hindi bumitaw
Na ni kailanman hindi mo ko iniwan
Ngayon aking lolo sa iyong paglalakbay
Balunin mo ang aming mga ala-ala
Ihalik sa hangin ang aming pagmamahal
Ibulong sa Diyos na kami'y gabayan.
soneto
Tagpo
Ipinagtagpo pero hindi itinadhana
Dahil sa paghahanap ng isang pusong nawawala
Na wari'y mauubusan ng pagmamahal sa mundo
Na di akalain sarili'y nagbabago
Noong una'y mahigpit ang tiwala ko sa mga binitawang salita
Na magbabago ka pero wala akong nakita
Sa mga sakripisyong ginawa tila parang basura
Ako na lang ang kumakapit sa relasyong ito
Gagawin lahat kaya't iyong kalayaan aking ibibigay
Kalayaan na alam kong matagal mo ng gustong hilingin
Kalayaan na saiyo'y magpapasaya
Wala na akong kakayahang lumaban pa
Minsan mas masakit pa ang pananatili kaysa sa paglisan
Lahat ng mabigat gumagaan pag binitawan.
soneto
Pagmamahal
Lahat ng hiniling mo ginawa niya
Malayo man ang distansyang tinatahak niya
Para sa pagmamahalan ninyong dalawa
Hatid-sundo saan ka man mag-punta
Pero ang tanging gusto lang niya ay hindi mo magawa
Oras mo lang naman at atensyon ang kailangan niya
Pero tila ika'y walang pakialam sa kanya
Huwag sanang ika'y magsisi sa bandang huli
Ang tunay na sukatan ng pagmamahal
Ay hindi ang nararamdaman mo ngayon
Na bukas, makalawa, tila mawawala
Hindi rin sukatan ang itsura o hugis ng tao
Kundi ang kabuuan ng kanyang pagkatao
Pagkat tanging pagmamahal ang makabubuo ulit ng yung pagkatao.
oda
Hulog ng Langit
Ang iyong ganda ay kakaiba
Kaya't si Ariel ay nahalina
Katangi-tangi at nag-iisang morena
Sa puso niya'y walang-iba
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
At tulungan mo ang isip kong naliligalig
Tibok ng puso ko bay naririnig?
Huwag sanang humantong sa puntong ika'y manlamig
Sa akin ika'y hulog ng langit
Hawakan mo ako ng mahigpit
Huwag sanang bitawan yaring pag-ibig
Pagkat ika'y nagbibigay kinang sa magulo kong daigdig.
Ang iyong ganda ay kakaiba
Kaya't si Ariel ay nahalina
Katangi-tangi at nag-iisang morena
Sa puso niya'y walang-iba
Tulak ng bibig kabig ng dibdib
At tulungan mo ang isip kong naliligalig
Tibok ng puso ko bay naririnig?
Huwag sanang humantong sa puntong ika'y manlamig
Sa akin ika'y hulog ng langit
Hawakan mo ako ng mahigpit
Huwag sanang bitawan yaring pag-ibig
Pagkat ika'y nagbibigay kinang sa magulo kong daigdig.
Oda
Mahal Kong Pangulo
Mabuhay ang ating mahal na Pangulo!
Walang iba, s'ya na nga!
Wala ka nang magagawa
Bayan na ang nagsalita
Sa bawat bagong araw
Mayro'ng bagong simula
'Dapat tama' isa-puso sa isip't sa salita
Pagkat pagbabago ang ninanais ng bawat isa
Kahit sino mang pangulo ang iluluklok ng bayan
Di kakayanin ang bigat kundi natin tutulungan
Ang mabuting pagbabago na kanyang sisimulan
Tayo ang magpapatuloy hanggang katapusan.
Mabuhay ang ating mahal na Pangulo!
Walang iba, s'ya na nga!
Wala ka nang magagawa
Bayan na ang nagsalita
Sa bawat bagong araw
Mayro'ng bagong simula
'Dapat tama' isa-puso sa isip't sa salita
Pagkat pagbabago ang ninanais ng bawat isa
Kahit sino mang pangulo ang iluluklok ng bayan
Di kakayanin ang bigat kundi natin tutulungan
Ang mabuting pagbabago na kanyang sisimulan
Tayo ang magpapatuloy hanggang katapusan.
Mag-subscribe sa:
Mga Komento (Atom)